Rodel Francisco Tagao. Ipinanganak sa bayan ng San Mariano, Isabela , noong ika-dalawampu't anim ng Nobyembre taong 2001. Siya ay nag aral ng kanyang Primarya sa Marannao Integrated school ngunit kalaunan ay lumipat sa Villa Miranda Integrated school at doon tinapos ang kanyang Primarya. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya bilang Junior High sa Malalinta National High School sa San Manuel, Isabela. At siya ay kasalukuyang nag-aaral ng Senior High School sa Malalinta San Manuel, Isabela.
Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng MTAP, Quiz Bee at Pagsasayaw ,at naging aktibo din siyang nakikilahok sa mga National Youth Rally Ngayong siya ay nasa Senior High siya ay nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio
upang makapagtapos bilang isang guro.
*****************************************************
PAKIKIPANAYAM SA ISANG GURO
Mga uri ng tanong:
- Ano po ba ang pangalan niyo sir, at ilang taon na po ba kayo? - Ako si Arsenio Ricafort Manzano Jr. Tatlumpu't Lima.
- Ilang taon na po kayong nagtratrabaho? - Magpipitong taon na akong nagtratarbaho bilang isang guro.
- Teacher II
4 Para sa inyo, mahalaga po ba ang iyong trabaho?
- Para sa akin mahalaga ito dahil natupad yung pangarap ko na maging isang guro.
5 Bakit gusto niyo po na magturo?
- Gusto kong magturo kasi gusto kong maibahagi ang aking kaalaman sa mga bata.
Pakikipanayam kay Ginoong Arsenio Ricafort Manzano Jr.
Advice: Sa lahat ng mga guro na katulad ko ang masasabi ko ay kailangan lang nating mahalin ang ating trabaho para sa ganun makapagturo tayo ng maayos na may pagmamahal sa mga bata.
*****************************************************
Panukalang Proyekto sa Paggawa ng Bakod sa harapan ng bawat bahay Malalinta, San Manuel, Isabela
- Carol, King, Lester, Rodel, Janmel, at Rose Ann
I. PROPONENT NG PROYEKTO: King, Lester, Rodel, Janmel, Rose Ann at Carol
II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Paggawa ng Bakod
sa harapan ng bawat bahay ng Malalinta, San Manuel, Isabela
III. PONDONG KAILANGAN: Php. 200.00
IV. RASYONAL
Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at
organisadong pamayanan at maayos na bakod ang bawat bahay ng mga taga
Malalinta, San Manuel, Isabela.
V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO
· Deskripsiyon
Pagsasaayos at pag papaganda ng mga harapan ng
bawat bahay ng mga residente.
· Layunin ng Proyekto
Mabigyan ng kalidad at may kaayusang lagyanan ang mga tao sa loob ng barangay.
VI. KASANGKOT SA PROYEKTO
Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
· grupo ng mga mang-aawit
· may-ari ng bahay
VII. KAPAKINABANGANG DULOT
Ang mga mamamayan ng
Malalinta, San Manuel, Isabela ay matutulungan nito sa pamamagitan ng
pagpapaganda ng kanilang bakuran at pati na rin ang harapan ng bawat bahay.
Kaugnay nito, mahalagang magkaroon ng inobasyon ang mga mamamayan upang
magkaroon ng kaayusan at kapaki-pakinabang na kapaligiran. Sa pamamagitan ng
panukalang ito, maiiwasan ang mga pangyayaring di kanais-nais.
VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
Upang maisakatuparan ang proyektong ito,
itnatakda ang mga sumusunod na mga gawain o hakbangin:
Kailangang kumpirmahin ang awtoridad ng mga
mamamayan nito.
Hingin ang patnubay at gabay ng mga opisyales
ng barangay upang matapos ng may kabuluhan ang proyektong ito.
XI. GASTUSIN NG
PROYEKTO
Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang mga
mang-aawit ng Php 200.00 na inlalaan sa sumusunod na pagkakagastusan tulad ng
pako at iba pa.
Inihanda ng:
Mang-aawit
CAROL JOY YRA
KING MARK OBINA
LESTER JOHN PINTO
JANMEL MANZANO
RODEL TAGAO
ROSE ANN DION